89

Nov 26, 2021 @ 18:10
By

Bride nag-prenup shoot kahit walang groom

Kung may nagpakasal sa sarili at nakipaghiwalay, may bride namang nag-viral dahil solo siyang nag-prenup shoot.

Todo pose ang bride na si Josaly Canubas, mula sa Cebu, para sa kanyang mga prenup photo kahit walang pakakasalan.

Ayon kay Josaly, madalas siyang maging host sa mga kasal.

Sinubukan daw niyang mag-prenup kahit walang groom para madama kung ano ang pakiramdam ng kinakasal at nakasuot ng wedding gown.

Hindi raw niya inakala na magba-viral ito dahil ginawa niya ito para sa #selflove.

Mahigit dalawang taon nang single si Josaly matapos tumanggi sa proposal ng manliligaw niya noon dahil sa kawalan nila ng “spark”.

Sa ngayon, hindi raw siya nagmamadali na mahanap ang kanyang “The One”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,