412

May 4, 2019 @ 22:05
By

Bride na-shock sa guest na nagdala ng 10 tupperware para mag-takeout sa kasal

Marahil marami ang guilty sa hindi maiwasang pagti-takeout ng pagkain kapag dumadalo sa mga party o kaya’y sa kasal.

Pero isang wedding guest ang ibang level ang pagka-switik.

Ayon sa bride na netizen, na-shock siya dahil isang bisita ang pinuno ng pagkain ang dala nitong sampung Tupperware container mula sa kaniyang wedding buffet.

Kuwento ng netizen sa Facebook, 25 na malalapit lang na kaibigan at kapamilya niya ang invited sa wedding reception.

Pero inimbitahan din nito ang dalawang kaibigan ng kaniyang daddy at isa sa mga ito ang nagdala pa ng anak.

“So she shows up… with about 10 Tupperware containers. TO TAKE FOOD. We had a buffet style wedding and we had a cookie table. What the actual f***. What a scab. I hope she got food poisoning. She loaded up 7 Tupperware containers with food to take home, took about 3 containers of homemade cookies, a couple of bottles of beer, and most the centrepieces. I didn’t notice any of this, because I was too busy with the whole wedding – but my dad told me about it the next day,” inis na pahayag ng bride.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?