447

Sep 23, 2021 @ 22:46
By

Bride hinarang sa reception venue, humagulgol

Viral ang video ng isang bride na humagulgol at napaupo sa labas ng reception venue matapos umanong ma-scam ng kanilang wedding coordinator noong September 22.

Ayon sa Facebook post ng photographer na si Tonskie Elsisura, nagulat silang lahat, kabilang na ang bagong kasal, nang sabihin ng management ng reception venue na matatagpuan sa Barangay Punta Princesa, Cebu City, na walang naka-book sa kanila na anumang event ng araw na iyon.

“According sa couple, fully paid na daw sila sa coordinator na c naser fuentes.. nagpakita pa ang coordinator during wedding preparation at the couples residence. Then by lunch time nilakaw na c naser and dili na makontak,” kuwento ni Elsisura.

Ibinahagi rin ni Elsisura ang mga larawan ng newlywed couple na sina Arniel at Cherry Pie na na-scam umano ng wedding coordinator na si Naser Fuentes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?