58

Jan 16, 2020 @ 16:32
By

Bricks na gawa sa abo ng Taal, gagawing kabuhayan ng Biñan

Nakaisip ng paraan ang local government ng Biñan, Laguna para mapakinabangan ang ibinughang abo ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa pamamagitan ng pag-ipon ng mga abo, gagawin itong bricks na maibebenta at magagamit sa paggawa ng bahay.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na nila ang pagtanggap ng ibebentang abo at ilalagay sa Biñan Eco-Center’s material recovery facility na hahaluan ng recycled plastics, white sand at cement para mas matibay at matatag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?