10

By

Brian McKnight feeling Pinoy dahil sa asawa

Sharing is caring!

Napamahal ng husto ang sikat na R&B singer/songwriter na si Brian McKnight sa Pilipinas, isa na rin sa dahilan ay ang kanyang asawang Pinay.

Sa panayam sa American singer, sinabi nito na hindi niya akalain na magkaroroon siya ng ‘true love’, at nagkataon pa na ang kanyang naging partner for life ay isang Pilipina.

Sinabi niya ito nang maitanong kung bakit madalas ang kanyang pagpunta sa bansa.

“…because my wife is Filipina. Oh, you didn’t know that? Now that makes me Filipino,” pakli ni McKnight.

Siya ay ikinasal kay Leilani Mendoza na isang doktor noong Disyembre nang nakaraang taon, at lahat umano ng kantang tinititik ni McKnight ay alay para sa asawa.

At dahil din sa maybahay, maging ang panlasa ng singer ay Pinoy na rin, madalas ay kumakain ng pansit, adobo at longganisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }