19

Jan 14, 2021 @ 15:14
By

Brgy. Kamuning hindi ila-lockdown – QC mayor

Wala pang sapat na batayan upang isailalim sa lockdown ang Barangay Kamuning, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, matapos magpositibo sa bagong COVID-19 variant ang isa sa mga residente roon.

Dagdag ng alkalde, hindi lumapag sa bahay nito sa Kamuning ang pasyente sapul nang dumating ito sa Pilipinas galing Dubai.

Dinala agad aniya ang lalaking Pinoy sa isang isolation facility sa lungsod.

“Una sa lahat, Kamuning in fact has the lowest numbers of COVID-positive patients at the moment. Since hindi naman lumapag sa barangay, hindi naman siya umuwi at di pa lumalabas ‘yung resulta ng BHERT (barangay health emergency response teams) na positive sila–although quarantined na sila ngayon–wala pa tayong sapat na batayan na i-lockdown ‘yung Barangay Kamuning,” ani Belmonte sa isang panayam, Huwebes.

“Hindi na po siya bumaba sa Barangay Kamuning. Siya po ay diniretso sa isolation facility,” saad niya pa.

Hinihintay pa aniya ng lokal na gobyerno ang COVID-19 test results ng mga direktang nakasalamuha ng unang kaso ng UK variant sa bansa, kabilang ang mga barangay health worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?