87
views
ABANTE police asset riding in tandem taguig
By

Brgy. chairman sa Tanza, Cavite, utas sa riding-in-tandem

Sharing is caring!

Patay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang last termer na Barangay Chairman sa Tanza , Cavite Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Leonilo Arbonida (56) Chairman ng Barangay Hulugan Sais sa Tanza, Cavite.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Donnie Montano ng Tanza, Cavite Police, ang biktima ay binaril ng mga hindi nakilalang suspek habang nagbabantay sa tindahan nito.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Nagtamo ng 3 tama ng bala ang biktima na nagawa pang itakbo sa Emilio Aguinaldo Hospital pero binawian din ng buhay.

Nagsagawa na ng manhunt operation laban sa mga suspek at inaalam na rin ng Cavite Police ang motibo sa pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?