21

By

Brgy. captain sa Puerto Princesa, inaresto sa iligal na droga, baril

Sharing is caring!

Dinakip ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang isang punong barangay na kabilang sa high-value target sa lungsod.

Kinilala ang barangay chairman na si Angelito Flores Arriesgado, 50, kapitan ng Brgy. Pagkakaisa, Puerto Princesa City.

Ayon kay Philippine National Police-MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, alas-dos ng hapon kahapon bitbit ang search warrant ay sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Narekober sa bahay ng suspek ang isang kalibre .38 pistol, apat na live ammunition, at isang plastic sachet na may lamang shabu.

Nakakulong na ngayon si Arriesgado sa PPCPO habang inihahanda na karagdagang kaso para rito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?