30

Jan 4, 2022 @ 15:25
By

Brenda Mage sa mga nasaktan niya: ‘Eto talaga ako eh’

Ilang araw matapos lumabas ng Bahay ni Kuya, balik-social media ang ex-housemate na si Brenda Mage upang humingi ng tawad sa mga nasaktan niya habang siya ay nasa loob ng PBB house.

“Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao,” saad ni Brenda sa kanyang post.

“Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh,” dagdag pa nito.

Isa sa mga binatong isyu kay Brenda sa loob ng Bahay ni Kuya ang ‘di nila pagkakasunod ni Alexa Ilacad, gayundin ang napansin na ‘pagseselos’ niya nang napalapit si Alexa kay Eian Rances.

Bago pa ito, noong nagsisimula pa lamang sila sa PBB house ay binanatan si Brenda ng mga netizen kaugnay ng malalaswang tanong nito kay Eian.

Gayunman, isa si Brenda sa mga matitibay at kasama sa huling limang housemate sa PBB Kumunity Season 10 celebrity edition. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?