23

Dec 6, 2021 @ 16:26
By

Bren Esports nagpaalam na kay Karltzy

Inanunsyo ng MPL Season 6 at M2 World Championship title-holder na Bren Esports na hindi na parte ng kanilang koponan si Karl ‘Karltzy’ Nepomuceno.

Si Karltzy ay parte ng Bren simula MPL Season 5 at tinanghal na Finals Most Valuable Player sa M2 World Championships.

Naging parte rin ang 17-anyos na pro player sa Mobile Legends team ng Pilipinas na nakakuha ng ginto sa 2019 Southeast Asian Games.

Gayunman, naging maalat ang MPL Season 7 at Season 8 para sa Bren, kung saan sa Season 7 ay hindi sila nakapasok ng finals at nitong huling season ay bigo na makapasok man lang sa playoffs.

Hindi pa naman inanunsyo ang bagong koponan ni Karltzy, na tumatayong jungler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?