320
ABANTE GLADYS REYES BREASTFEED BABY
Jan 25, 2018 @ 11:42
By

Breastfeeding photo ni Gladys sa IG, pinuri

Pinuri ng netizen si Gladys Reyes sa paraan nya nang pagpapakita nang pagpapa-breastfeeding ng kanyang bunso na si Cale.

Humanga ang lahat ng mga followings ni Gladys sa mga larawang pinoste nya sa kanyang Instagram wall habang nagpapa-dede sa kanyang bunso.

@iamgladysreyes, “Despite busy preparation yesterday, there’s alwayas time to feed baby Cale and cuddle time with kuya Grant. #ChristopherAndGladys25years #beastfedbaby.”

Marami na ang nagposte sa socmed ng kanilang breastfeeding moment ang mga artistang may mga baby na, pero kakaiba ang pagpapakita ni Gladys ng kanyang pagpapadede na hinangaan sa kanya nang kanyang mga followings.

Makikita sa mga larawan ni Gladys na nakalabas ang kanyang breast na subo-subo ng kanyang sanggol.

Walang nakatakip na kahit na anong tela ang pagpapadede ni Gladys kaya malayang nasilip ng kanyang mga fans ang breast nya.

Bahagya lang na natatakpan ng magkahawak na kamay nila nang sanggol ang kanyang breast. At sa isa naman ay hawak-hawak nang character actress ang kanyang suso.

Bumilib ang mga followings ni Gladys sa kanya dahil wala siyang pakialam na ipakita ang kanyang breast sa maraming tagasubaybay nya.

@tira_mesu_ko, “yan ang tunay na magbreastfeed. D nya kailangan na takpan pa. Di naman makikita ang nipple. Ung iba dyan arte-arte magpa-breastfeed! Payatot naman ang anak! Horrible sya.”

@lamir639, “Wow that is amazing! Hatts off ako sayo!”

@fatima_aqib, “wow, such an inspirational pic.”

@assej_chen, “Wow, breast feeding…ang cute ni baby.”

@smplyamzng, “This is a beautiful picture of you @iamgladysreyes and baby Cale.”

@bingaf, “nakakabilib”.

Ilan sa mga celebrities na nagposte ng kanilang breastfeeding moment sa IG ay sina Bianca Gonzales at Marian Rivera. Naka-video ang pagpapa-dede nila sa kanilang anak na may takip ang kanilang mga dibdib.

Maiintindihan naman kung bakit nakatakip ang breastfeeding nina Marian at Bianca. Si Marian ay nasa public place. Ang una ay sa isang airport sa States. Ang pangawala ay sa bday ng anak niyang si Zia. Si Bianca namana habang nanonood ng game sa US kasama ang kanyang hubby,

Bilang mga high-profile celebrities hindi dapat lantad ang breastfeeding nila sa public para makaiwas sa maiinit na mata ng mga tao. At para mabigyan ng privacy ang kanilang sarili pati na ang pagpa-dede nila sa kani-kanilang mga anak,

Nasa loob ng kuwarto si Gladys habang nagpapa-dede sa kanyang anak, kaya hindi na nito kailangan pang takpan ang kanyang dibdib.

Nevertheless, ang hinangaan kay Gladys ay ang lakas ng loob at walang pakialam nyang ipakita sa madla ang kanyang breast habang nagpapasuso ito sa kanyang bunso. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?