371

Dec 11, 2017 @ 17:09
By

‘Break-up’ scene nina Jennylyn at JM, naka-5M views

Kung nako-convert talaga ang likes, views and even comments sa social media, aba, bakit hindi gawan na agad-agad ng pelikula sina Jennylyn Mercado at JM de Guzman?

Base sa mga comment na nabasa namin sa ginawa nilang micro film as part of the advertising promo ng Acer Philippines na Malayang Pasko, ang daming netizens o fans na nakaalala na dapat talaga, ang dalawa ang magkasama sa pelikulang ‘Walang Forever’, pero ‘yun nga, alam na natin kung ano ang nangyari kay JM.

So, ang request ngayon, sana raw ay matuloy na ang tandem nina JM at Jennylyn na kahit sa short film na ‘yun, may chemistry raw palang talaga. Aba, ang galing nila sa break-up scene at ang husay pa rin ni JM kahit na sabihin mong two years itong hindi napanood.

In three days since ni-release ang short film nila, kulang 5 million views na ito. So imagine talaga kung guarantee ang interest ng mga nanonood, nakababad sa social media ay bibili rin ng tickets at manonood kapag pelikula na, aba, sure box-office hits na.

Bitin ang mga nakapanood ng short film ng dalawa so let’s see kung anong film outfit ang posibleng magtuloy ng tandem nila sa big screen.

Sa ngayon, si JM ay may gagawing comeback movie under Quantum Films and TBA at si Jennylyn naman, may MMFF entry with Derek Ramsay na ‘All Of You’. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?