517

By

Break na? Ryza at Pocholo in-unfollow ang isa’t isa sa IG

Marami ang humanga sa relasyong Ryza Cenon at Pocholo Barretto dahil sa kanilang “relationship goals” na samahan.

Kamakailan nga ay sinabi pa ni Ryza na “strong” ang kanilang relasyon ni Pocholo at pakiramdam niya ay welcome siya sa angkan ng mga Barretto.

Pero nito lang nang madiskubre na in-unfollow nila ang isa’t isa sa kanilang Instagram kaya nagningas ang espekulasyon na hiwalay na sila.

Lalo pang naintriga ang netizens nang mag-post si Ryza ng larawan niya at nilagyan ng caption na, “Thank you God for everything in my life. The good and the bad. Some were blessings and some were lessons.”

“Hiwalay na po ba kau ni Papa Cholo? Prang na notice ko, Wala na ung mga pictures nnyong dalawa. God bless your heart po,” tanong ng isang netizen.

“Bakit ano dahilan bakit wla na sila?” sabi naman ng isa.

“Hay sila lang po nakaka alam nkita ko lang din deleted na pics kay ryza at nag unfollowan na nakakalungkot nga kasi saya saya nila parang nabgla din ako na ganito nangyare huhu paborito ko pa nman sila at enjoy ako sa mga stories nila at post,” reaksiyon naman ng isa pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?