286

By

Break na? Julie Anne at Benjamin nag-unfollow sa isa’t isa

Sharing is caring!

Ilang linggo nang usap-usapan ang paghihiwalay nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Nagsimula ang tsismis nang magpagupit ng kanyang buhok si Julie Anne kamakailan.

“Thank you, next” lamang ang inilagay nitong caption sa larawan ng bago niyang hairdo sa Instagram noong Nov. 11, na title ng kanta ni Ariana Grande tungkol sa mga ex.

Marami tuloy ang nagkomento kung ang caption ba ni Julie Anne ay tungkol sa break-up nila ni Benjamin.

Sa naging panayam sa kanya, nilinaw ng Kapuso singer-actress na walang ibang kahulugan ang kanyang pagpapagupit pero hindi nito sinagot ang isyu ng break-up nila ni Benjamin.

Ngayon nga ay naungkat uli ang paghihiwalay ng dalawa dahil hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

“No user found” ang lumalabas kapag hinanap ang account name ni Benjamin sa account ni Julie Anne, ganun din kapag hinanap ang account name ni Julie Anne sa account ni Benjamin.

Nito lamang taon nang aminin ni Benjamin na magkarelasyon na sila ni Julie Anne pero two years na umano ang relasyon nila ng singer-actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }