157
Brazilian singer hindi kilala si Duterte
By

Brazilian singer hindi kilala si Duterte

Wala umanong kaalam-alam ang Brazilian singer na si Sergio Mendes na nanood sa kanyang Valentine concert si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na late dumating ang Pangulo dahil galing ito sa kanyang pampanguluhang aktibidad sa Bulacan kaya’t halos patapos na ang concert nang dumating ito sa Solaire Hotel Manila.

Kasamang nanood ng Pangulo ang partner na si Honeylet at mga miyembro ng gabinete pati ang kanilang mga asawa.

Sinabi pa ni Panelo na nag-enjoy naman ang Pangulo kahit na hindi nito naumpisahan ang concert.

“Yeah, he attended together with the members of the Cabinet. But he arrived very late, I think he spent only parang 20 minutes, kasi halos matapos na rin iyong concert eh. But I think he enjoyed because I was looking at him, he was smiling,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na nakatalikod si Mendes noong dumating ang Presidente kaya hindi nito napansin at marahil ay nagtaka na lamang ito pagkatapos ng kanyang performance nang tumayo ang Pangulo at napaligiran ng tao at sinundan ng mga camera.

“And apparently Sergio Mendes didn’t know that he was the President. Yes, because when he got in, Sergio Mendes was facing back, he was talking to the musicians, parang nagko-kumpas-kumpas kaya nang dumating ang Presidente na ang daming alalay, tapos iyong media, hindi niya nakita iyon eh. And he was just surprised nung tapos na kasi nagpaalam na siya eh tumayo na si Presidente kasi nagpaalam na siya, parang tingin siya ng ganoon, bakit itong mamang ito, lahat ng mga camera, tapos pinaliligiran ng tao, parang nagtaka lang siya, but nobody told him kasi,” dagdag pa ni Panelo.

Idinagdag pa ng kalihim na ayaw din naman ng Presidente na binibigyan siya ng espesyal na pagkilala dahil palagi nitong sinasabi na nakokornihan ito sa mga palakpak sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?