13

Jul 22, 2021 @ 16:48
By

Brazilian coach dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa noong Miyerkoles ang bagong coach ng women’s volleyball national team coach na si Jorge Edson Souza de Brito.

Ayon kay Ramon ‘Tats’ Suzara, presidente ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF), sasailalim sa mandatory quarantine ang Brazilian coach na nakatakdang matapos sa Hulyo 31.

Pagkatapos umano agad nito ay tutulak na si de Brito sa Ilocos Norte kung saan gaganapin ang ensayo ng national team.

Aalalay sa pagko-coach ni de Brito si interim coach Odjie Mamon.

Unang sasabak ang Brazilian bilang coach ng national team sa Agosto 29 sa 21st Asian senior women’s volleyball championship na gaganapin sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?