45

Apr 4, 2019 @ 11:08
By

Brazil football legend naospital matapos makasama si Mbappe

Matapos purihin ang isa’t isa sa nakalipas na buwan, nagkita na ang rising French star na si Kylian Mbappe at Brazilian legend na si Pele.

Nagkasama ang dalawa sa isang social function sa Paris na inorganisa ng isang Swiss watchmaker.

Sa nasabing event, todo ang papuri ni Pele sa French player, sinabi na tila ginagaya siya nito bilang tanging teenager na naka-goal sa World Cup.

“I think he is envying me, that’s why he is trying to emulate me,” biro ng Brazilian, na nagmarka sa football bilang tanging manlalaro na nanalo ng tatlong World Cup.

‘His style, the way he is playing, is Latino. Even Brazilian I would say. It’s a shame he did not play for Santos, but it’s not too late.’

Ngunit matapos ang event dinala sa ospital si Pele dahil sa mataas na lagnat, ayon sa report.

Hindi naman dapat mangamba ang mga fan ng retired player dahil hindi naman umano ito malala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?