24

Feb 28, 2018 @ 19:20
By

Branislav kakabit kay Klisura, 2 pa sa Philippine Super Liga

Itutuloy ng tatlong club ang ragasa sa balik-ere ng 6th Philippine Super Liga 2018 Grand Prix eliminations sa The Arena sa San Juan City.

Asinta ng Petron (2-0) ang pangatlong dikit na pananalasa laban sa babangong bagong saltang Smart (0-1) sa alas-4:15 ng hapon bukas, Marso 1.

Nais ding sundan sa isa’t isa nang magtutuos sa alas-siyete ng gabing Sta. Lucia (1-1) at Cocolife (1-2) ang pinanggalingang tagumpay.

Sasandalan ng Blaze Spikers ni coach Cesael delos Santos sina American import Kennedy Bryan, Charlene Cruz at Venezuelan Jose Maria Perez.

Si Asset Managers mentor Serbian Moro Branislav kakalasag naman kina imports Sara Klisura, Taylor Milton, at new recruit Honey Royse Tubino para sundan ang straight-set win sa Giga Hitters, pagkaraang sumalampak sa Cignal at F2 Logistics.

Aminado si Branislav na impresibo siya sa kanyang women’s volleyball team. Pero marami pa aniyang dapat trabahuhin.

“This is true, I’m not kidding: My team is not yet ready at the moment,” bigkas ni Branislav, na ginabayan ang Tornadoes sa trono ng torneong ito noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?