44

Feb 15, 2020 @ 19:16
By

Brandon Vera ni-reveal na ang gender ng baby

Maging sa baby gender reveal ay nananalaytay pa rin ang pagiging mixed martial arts champion ni Brandon Vera.

Sa kanyang video post sa Instagram, gumamit siya ng punching bag para i-reveal ang kasarian ng ikalawa niyang anak.

Ang asawa niyang si Jessica Craven ang nag-set up ng punching bag.

Nang sipain ni Brandon ang punching bag, sumambulat ang asul na pulbos na ang ibig sabihin ay baby boy ang 2nd child niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?