15

Apr 4, 2021 @ 14:54

Brandon kaensayo mortal na kalaban

Kalaban mo kahapon, kakampi mo ngayon!

Ito ang senaryo ni Fil-Am MMA fighter Brandon Vera nang makasama niyang mag-ensayo sa Tate ang dating nakasagupang si Aung La N Sang.

Kasalukuyan kasing nasa Florida si 43-anyos fighter Vera at pinaghahandaan ang susunod na laban kontra Indian heavyweight star Arjan ‘Singh’ Bhullar sa One Championship.

Magugunitang nagtuos sina Vera at N Sang taong 2019 at natalo si ‘The Truth’ Brandon via TKO dahilan upang makakubra si Brandon ng unang mapait na pagkatalo sa nasabing liga.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon kung kailan gaganapin ang laban ni Vera kontra sa Indiano. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?