80
Brandon Ingram 'di matatapos ang season: May blood clot!
By

Brandon Ingram ‘di matatapos ang season: May blood clot!

Hindi na makakalaro si Los Angeles Lakers forward Brandon Ingram ngayong season matapos ma-diagnose na mayroong deep venous thrombosis (DVT) sa kanyang kanang braso.

Na-miss ni Ingram ang huling dalawang laro ng Lakers matapos niyang makaramdam ng pananakit ng balikat pagtapos ng practice.

Kinumpirma ni Lakers coach Luke Walton na may iniinda si Ingram tuwing inaangat nito ang kanyang balikat.

“We’ve released what he’s got going on, but I’m not going to get into all the details,” ayon kay Walton.

“I’m just finding out a lot of it myself. All I’m going to say on him right now is that he’s out for the rest of the season,” dagdag pa nito.

Ang deep venous thrombosis ay nakukuha dahil sa pamumuo ng dugo na mararamdaman ang pananakit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?