5

By

Bradley minamatiyagan ng Grizzlies

Sharing is caring!

TARGET ng Memphis Grizzlies na masungkit ang isa sa mga top free agent guard na si Avery Bradley.

Ayon sa isang report ng New York Times, planong i-upgrade ng Grizzlies ang koponan kaya hinahangad nila si Bradley.

Sa Detroit Piston at LA Clippers ng 2017-18 NBA campaign, nakapagtala si Bradley ng average 14.3 points, 2.5 rebounds at 2.0 assist sa 46 games sa dalawang koponan.

Malaki ang iaangat ng Grizzlies kapag nakuha nila Bradley.

Nitong huling season, rumango ang Memphis sa seventh-worst defense sa liga. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?