34

Dec 6, 2017 @ 18:04

Bradley Beal, pumukol ng 51 points sa panalo ng Wizards

Bumalikwas ang Washington Wizards mula sa malaking pagkatalo sa Utah Jazz at biniktima ang Portland Trail Blazers, 106-92.

Nag-init ang mga kamay ni Bradley Beal na pumukol ng 51 points para sa Wizards.

Buong gabing nakontrol ng Washington ang laro kung saan lumamang sila ng 23 points kahit pa may nilagareng 30 points, eight rebounds at nine assists si Damian Lillard para sa Trail Blazers.

Naging wais sa paghawak ng bola ang Wizards na nakapagtala lamang ng 10 turnovers sa buong laro habang napuwersa naman nila ang Portland na magkomit ng 19 turnovers.

Nagawang maigapos ng Washington ang kalaban sa pagtala lamang ng 15 na puntos sa pagtatapos ng third quarter at hindi na nakabangon pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?