166

Aug 9, 2018 @ 15:31
By

Brad Pitt rumesbak, milyon na ang naibigay kay Angelina

Nagbigay ng kanyang panig si American actor Brad Pitt sa pamamagitan ng court documents hinggil sa akusasyon ng dating asawa na si Angelina Jolie na hindi niya pagbibigay ng child support sa kanilang mga anak.

Batay sa 2-pahinang dokumento na inihain ng abogado ni Pitt sa Los Angeles Superior Court, mahigit $1 million na umano ang naibigay ng aktor kay Jolie at pinautang pa umano niya ito ng $8 million para mabayaran ang kasalukuyan nitong bahay matapos nilang maghiwalay, dalawang taon na ang nakararaan.

Noong Martes nang malantad na gustong pilitin ni Jolie si Pitt na magbigay ng sustento sa pamamagitan ng korte.

Sabi ng abogado ni Pitt, hindi umano binanggit ng abogado ni Jolie na may problema ito sa halaga ng ibinibigay ng aktor sa mga anak nila at hindi rin malinaw kung anong child-support arrangements ang mayroon ang mag-asawa.

Labing-dalawang taon na nagsama ang Hollywood power couple bago naghain ng divorce si Jolie noong 2016. Nasa pangangalaga ni Jolie ang kanilang mga anak. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?