17

Sep 17, 2020 @ 18:13
By

Bracket ng mahirap hanggang mayaman, pinakita sa Senado

Alam mo ba kung saan ka kabilang na social class o uri sa lipunan?

Sa pagdinig Senado, ipinakita ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang income class bracket sa bansa na ginagamit ng gobyerno para i-categorize ang pamilya sa estado sa lipunan.

Ayon kay PIDS President Celia Reyes, masasabi na isang mayaman o mahirap ang pamilyang Pinoy depende sa buwanang kita ng mga ito.

Narito ang listahan ng social classes at tingnan kung saan kayo kabilang:

Poor: Mababa sa P10,957 ang monthly income

Low-income but not poor: P10,957 hanggang P21,914 monthly income

Lower middle: P21,914 hanggang P43,828 monthly income

Middle: P43,828 hanggang P76,66 monthly income

Upper middle: P76,669 hanggang P131,484 monthly income

Upper middle but not rich: P131,483 hanggang P219,140 monthly income

Rich: P219,140 and above monthly income.

Ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, kailangang pagandahin ng gobyerno ang definition at ang termino sa pagkilala sa social class sa bansa.

Pinayuhan naman ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee ang socioeconomic team, na gumawa ng iisang paraan ng pagkilala sa social class dahil may ilang ahensiya na binabase sa “families” habang ang iba naman ay “household”.

Sabi ni Angara, dapat simplehan lang ang income class system dahil “irrelevant” ito sa pagkilala sa mga benepisaryo ng iba’t ibang programa ng gobyerno lalo na sa panahon ng pandemya.

Sa datos ng PIDS nitong 2018, may 8.4 million low-income na pamilya sa bansa at 7.5 milyon naman ang lower middle-income.

Umabot naman sa 4.3 milyon ang pamilyang kabilang sa middle class at upper middle class.

Ang upper but not rich ay 385,000 na pamilya habang 143,000 pamilya naman ang mayaman sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?