20

Nov 6, 2021 @ 15:33
By

Bracket ng M3 World Championships plantsado na

Kasado na ang mga koponang maghaharap-harap sa Mobile Legends M3 World Championship na gaganapin sa Singapore sa Disyembre.

Ang mga koponang magbabakbakan ay ang mga kampeon at runner-up sa mga Mobile Legends Professional League sa iba’t-ibang bansa.

Sa naturang torneo ay ang MPL-Philippines Season 8 champion Blacklist International at runner-up ONIC-Philippines ang pambato ng bansa.

Swak sa Group A ang Blacklist kasama ang Red Canids ng Brazil, Malvinas Gaming ng Latin America at BEDEL ng Turkey.

Ang ONIC-PH naman ay sasalang sa Group B kasama ng MPL Indonesia champion Onic Esports, Todak ng Malaysia at KEYD ng Brazil.

Sa Group C naman ang EVOS Singapore, SeeYouSoon ng Cambodia, NaVi ng Russia, at BTK ng North America.

At sa Group D naman ay naroon ang SMG ng Malaysia, RRQ ng Indonesia, GX Squad ng Middle East at RSG Singapore.

Idaraos ang torneo sa Disyembre 6-19, at ang kampeon ay mananalo ng tropeo at $800,000 (P40 milyon).

Sa nakaraang edisyon ng world championships, nagkampeon ang pambato ng Pilipinas na Bren Esports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?