116

Dec 26, 2017 @ 15:16

BPO nangunguna pa rin sa may pinakamaraming job vacancy – DOLE

Nangunguna pa rin ang industriya ng business process outsourcing (BPO) sa pinakamalaking bilang ng bakanteng trabaho sa bansa, ayon sa internet-based job at applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa report ng Bureau of Local Employment ng DOLE, nasa top 20 vacancies sa DOLE job portal ang call center agent na may 781; office clerk, 756; service crew, 756; non-formal education teacher, 359; food service dispatcher, 300; salesman, 295; health consultant, 200; staff nurse, 159 at production/factory worker, 150.

Ayon naman sa PhilJobnet, nakapagtala ng kabuuang 133,300 call center agent positions ang naturang industriya mula noong Enero hanggang Disyembre 2017.

Ang serbisyo ng PhilJobNet ay libre para sa mga naghahanap ng trabaho na may edad 15 pataas at maging sa mga establisimiyento na may kakulangan sa manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?