25

Jun 14, 2021 @ 13:28
By

BPO employee kalaboso sa P2M shabu

Dinakip ang isang empleyado ng business process outsourcing (BPO) company matapos itong mahulihan ng shabu sa Cabanatuan City.

Kinilala ang suspek na si Sheryl Santos, residente ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Nabulilyaso ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cabanatuan, kung saan nakuha sa suspek ang tatlong pakete at 11 sachet ng shabu.

Tinatayang nagkakahalaga ng lampas P2M ang nakulimbat na shabu.

Kakasuhan ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?