102

Dec 27, 2017 @ 15:29

BPI iimbestigahan na ang ‘faceless’ P100 bills

Nakatakda na ring imbestigahan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang post ng isang netizen hinggil sa P100 bills na walang mukha ni Manuel Roxas, na humamig na ng higit 29K reaksiyon at 23K shares.

Sa pahayag ng BPI, sinusubukan na umanong kontakin si Earla Anne Yehey, na siyang na-post ng larawan ng ‘faceless’ P100 bills sa Facebook at kasalukuyan na nilang bineberipika ang post nito.

Naka-tagged ang BPI at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa post ni Yehey.

“Pano ko po bibigay yung mga pamasko ko? Wala pong mukha yung mga 100 na winithdraw ko kaninang madaling araw,” sabi nito sa FB post.

Na-withdraw umano ni Yehey ang apat na P100 bills bandang alas-2:30 ng madaling-araw noong Pasko sa ATM sa Eastwood, Quezon City.

Pinayuhan ito ng BSP na ikonsulta ito sa BPI branch kung saan siya nag-withdraw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?