95

Apr 30, 2019 @ 13:27
By

Boyzone balik Manila para sa farewell tour

Dadalhin sa Pilipinas ng Irish boyband Boyzone ang kanilang “Thank You and Goodnight Farewell Tour”.

Gaganapin ang concert sa Mall of Asia Arena sa June 23.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na magpe-perform ang grupo na kinabibilangan nina Ronan Keating, Shane Lynch, Mikey Graham at Keith Duffy sa bansa.

Una silang nag-concert noong 2015 sa Smart Araneta Coliseum at 2018 sa Mall of Asia Arena.

Ilan sa kantang pinasikat nila ang “Love Me For A Reason”, “Words”, “Picture of You” at “No Matter What”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?