2,121
Boyfriend ng dalagang namatay sa ecstasy overdose sa Sinulog, nagsalita na
By

Boyfriend ng dalagang namatay sa ecstasy overdose sa Sinulog, nagsalita na

Lumutang na ang boyfriend ni Ashley Abad, ang 19-anyos na namatay dahil sa drug overdose sa bisperas ng Sinulog Festival sa Cebu City.

Si Nel Spencer Tiu ang prime suspect sa pagkamatay ni Abad noong Enero 20, 2019.

Nagtungo si Tiu sa Cebu City Police Office kasama ang kanyang mga magulang noong Pebrero 13 para linisin ang kanyang pangalan, ayon sa report ng Sunstar.

Sa naging panayam sa kanya ng mga imbestigador, itinanggi umano ni Tiu na binigyan niya ng iligal na droga ang girlfriend.

Samantala, hindi pa umano maaaring ibunyag ng mga awtoridad ang iba pang personalidad na makakasuhan sa pagkamatay ni Abad dahil nasa huling stage pa lang sila ng imbestigasyon.

Matatandaang una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Tiu at sa iba pang huling naging kasama ni Abad sa pre-Sinulog party sa Cebu Business Park noong Enero 19 matapos makumpirma sa awtopsiya na ecstasy overdose ang kinamatay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?