141

Oct 27, 2017 @ 11:00

Boyet-Sandy kabado sa laban ni Mariel sa Miss International

Si Mariel de Leon na kaya ang pang-pito na kokoranahan bilang Miss International?

Susundan na kaya niya ang mga yapak ng mga Pinay Miss International grand winners natin na sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Santiago (2013), at Kylie Versoza (2016)?

Back-to-back win nga ba ang mangyayari sa ating bansa na kilala na bilang The Land of Beauty Queens?

Umalis na nga papuntang Tokyo ang anak ng veteran actors na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong para sa grand coronation night nito sa November 14.

Proud parents siyempre sina Boyet at Sandy sa kanilang daughter lalo na’t isa nga itong international competition at nakataya ang bandila ng ating bansa.

Mas nenerbiyos at excited pa nga raw sila kaysa kay Mariel na full of confidence ang pagiging isang beauty queen. Para bang mas nakaka-nerbiyos pa ito sa mag-asawa  kumpara sa ga awards night na nomnado sila for an acting award.

Anyway, bago pa man umalis si Mariel ay nagpasalamat din ito kay Coco Martin dahil sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad sa pelikula. At least, manalo man siya o matalo ay may babalikan siyang trabaho o career.

Si Mariel ang leading lady ni Coco sa pang-MMFF 2017 movie nito na Ang Panday.

Good luck, girl!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?