81

Nov 12, 2018 @ 21:25
By ,

Boyet sa suspensiyon ni CJ: Hindi kasalanan ng Beda ‘yun!

Hindi kasalanan ng San Beda na na-suspend ng isang laro sa finals ang karibal nilang si CJ Perez ng Lyceum.

Ito ang pinagdiinan ni Red Lions head coach Boyet Fernandez kaugnay sa one-game ban ni Perez sa 94th NCAA Finals na pinagwagian ng San Beda dahil sa pagkabigo nitong ipaalam sa NCAA ManCom ang kanyang aplikasyon sa paparating na PBA Annual Rookie Draft.

“Hindi naman kasalanan ng San Beda na ma-suspend because it’s already in the rules and if we discuss everything here I think LPU already realized that they had fault on that,” wika ni Fernandez kasunod ng 71-56 Game 2 win ng San Beda para sa three-peat.

“Again, it’s not the fault of San Beda, we never even joined the voting, sa mga deliberation but again you also have to give credits to my players because if not with my players will not win Game 1,” wika nito.

“Sa totoo lang mas na-fuel sa amin ‘yung sinasabi nilang you cannot win without CJ, kasi my players played well come to think of it. Don’t take that away from my players.”

Malaki pa rin aniya ang respeto ni Fernandez sa coaching staff ng LPU dahil nagawa nitong makabawi noong Game 1 pero isipin aniya ng tao na maganda rin ang laro na pinakita ng kanyang manlalaro.

“This game, that’s really their mantra, ‘Let’s prove ourselves that we can beat LPU with CJ there’ and they showed it there,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?