92

By

‘Boyet Challenge’ tinuligsa ng autism society

Sharing is caring!

Kinondena ng Autism Society Philippines (ASP) ang pinakabagong social media experiment na tinawag na “The Boyet Challenge”.

Sa challenge, gagayahin ng partisipante ang karakter na si “Boyet” na may mild intellectual disability.

Si Boyet ay ginagampanan ni Ken Chan sa afternoon series ng Kapuso na “My Special Tatay”.

Ang pagtuligsa ay kasabay ng pagdiriwang nila ng National Autism Consciousness Week.

Ayon sa organisasyon, mali na gawing katatawanan ang persons with disabilities (PWDs).

Dahil dito, nanawagan ang ASP sa netizens na itigil na ang “Boyet Challenge”, dahil ginagawa nilang biro ang mga taong may autism at iba pang disabilities.

Batay sa kanilang website, ang ASP ay isang non-profit organization (NGO) na nagbibigay ng serbisyo at nagsasanay sa pamilya na may kaanak na may autism.

Narito ang sample ng naturang “Boyet Challenge”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?