42

By

BoybandPH member Markus Paterson, naaksidente na, nanakawan pa!

Sharing is caring!

Kalunos-lunos ang sinapit ng boy group member ng Boyband PH na si Markus Paterson makaraang sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa concrete barrier na ikinatilapon ng singer sa kalsada.

Sa ulat ng TV Patrol, sinabi ni ABS-CBN Safety and Events Risk Management Officer Mark Diaz na posibleng nabalian sa bandang binti ang 18-anyos na artist dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga na nangyari sa Roxas Boulevard Service Road.

Sinakay umano ng tatlong kalalakihan si Paterson sa isang taxi para magpahatid sa ABS-CBN office, ngunit ayon sa binata, ninakaw pa umano ng mga umakay sa kanya ang kanyang wallet mga gamit.
“Yung mga taong nakapulot sa akin, kung nasaan man sila, nasa kanila ‘yung wallet ko.” saad ni Paterson habang nasa stretcher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?