368

By

Boy umamin sa kasalanan kay Kim Chiu

Sa unang pagkakataon ay humingi ng tawad si Boy Abunda kay Kim Chiu sa pamamagitan ni Xian Lim dahil nga sa tanong nito noon sa Chinita Princess na naging dahilan upang umamin ito sa relasyon nila ni Xian.

Para kasi kay Kuya Boy, hindi dapat si Kim ang tinanong niya noon, kundi si Xian mismo lalo nga’t malapit sila ni Xian bilang magkaibigan at sa kinaugalian na dapat ang lalaki ang unang umaamin sa relasyon nito sa isang babae.

Ramdam daw niya noon ang discomfort ni Kim habang sinasagot ang kanyang tanong, pero dahil nandun na rin ito sa isang sitwasyon na wala nang magagawa, sinagot naman nito ang kanyang tanong.

Aminado ang sikat na host na matagal siyang binagabag ng sitwasyon na iyon.

Kahit sabihin pang naging daan ito upang mas maging totoo at bukas na sa publiko ang kanilang relasyon at marami ang natuwa sa kanila, pero para kay Kuya Boy, hindi niya pala dapat talaga itinanong ito kay Kim.

Anyway, naintindihan naman ito ni Xian, and since open na rin sila sa publiko, nagpaliwanag na rin siya kung bakit natagalan silang umamin.

On his part naman, happy si Xian na natanggap ng publiko ang kanilang relasyon na walang iniisip na gamitan, o para sa promo lamang ng kanilang loveteam or what.

Pinatunayan naman niya na talagang mahal niya si Kim at ‘yun ang mahalaga ngayon.

Solo career na rin naman si Xian na may pelikulang ipapalabas sa February 6, ang Hanggang Kailan? ng Viva Films at Bluart Productions, kaya alam niyang walang gamitang namamagitan sa pag-iibigan nilang dalawa ng Kapamilya actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?