235

Oct 23, 2017 @ 11:01

It’s a boy ulit para kina Sarah at Richard

Lalaki ang susunod na magiging baby nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ibinalita ito mismo sa Instagram ni Sarah Lahbati sa isang short video ng gender-reveal party na inorganisa ng kanilang mga kaibigan at family members.

Si Sarah ang nagdadalantao sa baby niya pero siya mismo ay nasorpresa sa gender ng kanyang baby.

Kitang-kita sa reaksyon ni Sarah ang clueless reaction at excitement sa mukha niya bago pa niya putukin ang malaking lobo habang nasa tabi niya si Richard Gutierrez na karga naman ang anak nilang si Zion.

Nang sumabog ang blue confetti saka lang na-reveal na lalaki ang magiging anak niya.

Sinabi mismo ni Sarah sa caption ng video na successful ang team na bumuo ng party na isikreto sa kanya ang gender ng kanyang ipinagbubuntis.

Mahusay siyang tumuklas ng mga sikreto pero ang gender ng kanyang ipinagbubuntis ang hindi niya natunugan.

@sarahlahbati, “WE’RE HAVING A BOY!! We decided to not know the gender until today! Thanks to my dr. & @alexa_u_gutierrez for coordinating and keeping it secret from me. Good job!!! #gutzbabyreveal video from #boomsason.”
Wala kaming ideya kung alam na ni Richard sa simula pa lang ang gender ng susunod nilang baby, pero napasigaw din ito sa revelation.

Ang twin-brother ni Richard na si Raymond ang nagsilbing host ng party.

 

Winwyn, angat ang beauty sa mga Latina

Nakasalamuha na ni Winwyn Marquez ang ilan sa mga makakalabang kandidata sa gaganaping Reina Hispanoamericano sa Bolivia ngayong November 4.

Naka-post sa Instagram ng actress-turned-beauty queen ang larawan nito kasama ang mga representative mula sa Uruguay, Canada, Paraguay, Nicaragua, Panama at ang dalawa pa na hindi makita ang sash dahil natatakpan ito ng pagkaka-side angle ng posing nila, ‘yung isa naman ay ng katabi niyang kandidata.

Nakaupo silang lahat sa isang sofa at nasa likod nila ang pangalan ng resto na Camel.

@winmarquez, “Lunch with the girls.”

Frontliner sa larawan si Winwyn kaya naman lutang na lutang ang kanyang ganda, dumagdag pa ang straight-long black hair niya na lalong nagpatingkad ng kanyang Filipina beauty.

Kung ang pagbabasehan ay ang aura at look ni Winwyn sa mga kandidatang kasama niya sa photo opt, malaki ang potensiyal nitong mapasama sa final top ng kumpetisyon.

Bukod dito, hindi pa man nakakarating ang dalaga, pinu-promote na ang kanyang pagsali sa kompetisyon.

Pero siyempre, gaya ng nauna naming sinulat, kailangan pa rin ng suporta ng mga kapwa Pilipino ni Winwyn para siguradong makakapasok siya sa top 12. Iyon ay sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Facebook official page ng contest.

 

Karla, pinayuhan ang anak na si Daniel Padilla

Hindi talaga naghirap nang husto si Karla Estrada noong hindi na siya aktibo sa showbiz at kasalukuyang bata pa ang anak niyang tinagurian ngayong teen king na Daniel Padilla.

Nag-post si Karla ng throwback photo ni Daniel sa kanyang Instagram account noong bagets pa lang ang huli.

Sa larawan, nakaupo si Daniel sa bato habang nasa likod nito ang isang puno. Nakasuot ang binata ng puting long sleeves habang nakangiti.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Karla na kuha ang nasabing photo noong nasa preschool pa ang kanyang anak.

Very significant ang nakasabit na supot sa tabi ng batang si Daniel na siyang pinagbasehan ni Karla ng buhay nila noon na hindi naman talaga mahirap, at sa ngayong nahihiga na sila sa pera dahil sa kinikita ng kanyang anak at maging siya bilang host ng celebrity talk show sa Kapamilya network na “Magandang Buhay”.

@karlaestrada1121, “TB tayo anak…graduation mo yan ng pre School sa UP tayo nyan. After mo mag-tumbling tumbling dyan sa damuhan nag-picture tayo. Sinabit ko muna yung sandwich mo na nasa supot na puti sa sanga sa tabi mo. Pagkatapos nyan laro ka na uli.”

Sa karugtong ng message, pinayuhan ni Karla ang anak na maging masaya sa kasaganaang tinatamasa nila ngayon.

“Noong sapat lang ang buhay para sa ating mag-ina ay maligaya tayo..kaya dapat sa buhay na masagana, dapat walang dahilan na hindi tumawa. Ipagdiwang natin ang kontento at masayang buhay mga anak!!”

Walang binanggit ng kung ano ang pinanggalingan ni Karla kung bakit bigla siyang nag-throwback at nangaral kay Daniel.

Hindi naman kasi maipagkakailang si Daniel ang itinuturing na pinakamayaman sa lahat ng mga young actor ng Kapamilya network sa kanyang henerasyon.

At masuwerte nga talaga si Karla sa biyayang natatanggap ng kanyang binata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?