281
views

By

Boy Saycon pinagdadahan-dahan ng Palasyo

Sharing is caring!

Pinagdadahan-dahan ng Malacanang si Edsa People Power Commissioner Pastor “boy” Saycon sa mga binibitiwan nilang salita patungkol sa gobyerno.

Kasunod ito ng naging pagbubunyag ni Saycon na umano’y mayroong seryosong planong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kakausapin niya si Saycon dahil mayroong sinusunod na communication protocol ang gobyerno at bibigyan niya ito ng crash course sa pagbibigay ng mga sensitibong pahayag sa media at sa publiko.

“All I will say is, I’ll talk to Pastor Saycon and tell him about standard operating procedures of the Office of the Spokesperson now that he has joined the four-man panel ‘no. I’ll have to tell him to be more careful about what he says to the public and to the media, and that there is vetting processes ‘no before we’re able to say anything to the media. So I will discuss with him the communication protocols of the government,” ani Roque.

Bagamat bihasa na si Saycon sa mga isyung may kinalaman sa iba’t -ibang religious sector at malalim na ang relasyon nito sa mga opisyal ng simbahan, sinabi ni Roque na bagito pa rin ito sa administrasyong Duterte.

“Para din ‘yan iyong mga dating bagito sa gobyerno. I remember, we’ve also had to brief Commissioner Belgica on Palace protocols on communication ‘no. So siguro ano lang ‘yan, dahil bagito pa lang sa gobyerno, so we will give them a thorough briefing on how we go about releasing information to the public,” dagdag pa ni Roque.

Si Saycon ay kasama sa four-man commitee na inatasang makipagdayalogo sa mga alagad ng Simbahan at iba pang religious groups na natamaan ng mga maaanghang na litanya ni Pangulong Duterte. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?