515

Oct 30, 2018 @ 17:24
By

Boy Abunda pinangalanan ang tatlong pinakamahirap na interview

Sa episode ng ‘Tonight with Boy Abunda’ nitong Monday, kinuwento ni Tito Boy ang pinakamahirap na interview na ginawa niya sa kanyang buong career.

Una rito ay si Vhong Navarro nang mangyari ang pambubugbog sa kanya noong 2014.

“It was not comfortable kasi si Vhong, pasa pasa, and it is not easy to interview pain,” sabi ni Tito Boy.

Sumunod na interview ay kay KC Concepcion noong 2011, nang ni-reveal niya ang detalye ng break-up nila ni Pilo Pascual.

Kuwento ni Tito Boy, “Alas-dos nangyari ‘yung interview dahil she couldn’t make up her mind whether she want to do the interview or not.”

Isa pang interview na mahirap para kay Tito Boy ay nang makausap niya si Claudine Barretto noong mamatay ang aktor na si Rico Yan.

“Hindi ko makakalimutan. This was the time when pumanaw ang kaibigang Rico Yan. It was a difficult interview. Pagdating namin dito, hindi namin alam kung eere,” sabi ni Tito Boy.

Birthday ni Tito Boy noong Monday, si Vice Ganda ang kanyang special guest pero ito ang nagtanong sa host para sa isang espesyal na episode.

Natanong din si Tito Boy kung alam pa ba nito kung ilan na ang na-interview niya pero wala siyang bilang dito at wala ding pagkakataon na nakapag-walkout siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?