248

By

Boy Abunda natawa sa kanyang viral basketball memes

Hindi minasama ni TV host Boy Abunda ang kumakalat na basketball memes niya.

Ilang oras lang kasi matapos niyang maglaro ng basketball sa “Tonight With Boy Abunda” ay naging subject na siya ng memes, lahat ay pawang ginawa siyang basketball player.

Sa kanya ngang opening spiel sa naturang show nitong Miyerkoles, nag-pretend kunyari na nagbabasketbol si Boy at ipinakilala ang kanyang sarili na “LeBoy James.”

“Sa lahat ng mga gumagawa ng memes, maraming-maraming salamat. Magandang pampagising, magandang pang pa-good vibes,” ani Boy habang natatawa sa kanyang sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?