22

Oct 24, 2020 @ 22:22
By

Boy Abunda balik telebisyon

Mapapanood muli sa telebisyon ang kilalang host na si Boy Abunda.

Lalabas siya ngayong Sabado sa pilot episode ng “The Best Talk”.

Dagdag niya, mananatili siya sa poder ng ABS-CBN.

“Yes, I’m going back to TV. Yes, I’m staying with ABS-CBN,” ani Abunda.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Abunda na magkakaroon din siya ng daily political show mula Lunes hanggang Biyernes.

“The news, I’ll be doing one with ANC. It should be a daily show live, Mondays to Fridays. It’s a political show,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?