49

By

Boxers apektado sa coronavirus

Sinulatan ng Philippine Olympic Committee ang International Olympic Committee hinggil sa delikadong sitwasyon ng national boxers na sasabak sana sa nalalapit na special na Olympic Qualifying Tournament ng 2020 Tokyo Olympics sa binabagabag ng coronavirus na Wuhan, China.

Ani POC president Abraham Tolentino, sisiguruhin niya ang kapakanan at kalusugan ng mga atleta na nakatakdang sumabak at asam na masungkit ang mga silya sa iba’t-ibang weight category na paglalaban sa Olympics.

“The Philippine Olympic Committee shares the sentiments expressed by one of its member organizations, the Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) regarding the situation prevailing in the site of the Boxing Olympic Qualifying Event, Wuhan, China scheduled on February 3-14, 2020,” ayon sa sulat ng POC.

“The outbreak of a mysterious Coronavirus strain is alarming and we appeal to the International Olympic Committee to seriously consider transferring the venue city and the dates of the tournament.”

“The danger posed by possible contamination is highly risky and we cannot afford to expose not only our delegation, but others as well. Pending definitive word from the World Health Organization, we strongly recommend that the IOC take further steps to mitigate the possibility of any untoward incidents that may arise from the situation,” ani Tolentino.

Suportado rin ng POC ang pagsalo ng ABAP sa OQT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?