24
avengers

Box office record ng ‘Star Wars’, hinambalos ng ‘Avengers: Infinity War’

Sharing is caring!

Nalagpasan na ng “Avengers: Infinity War” ang record sa opening weekend ng “Star Wars: The Force Awakens”, na nagbukas noong Disyembre 2015.

Ayon sa tala ng Disney, sa opening record ay kumita ang “Avengers: Infinity War” ng $250 milyon sa North America at $380 milyon overseas. May global total na itong $630 milyon.

Hawak dati ng “Star Wars: The Force Awakens” ang record noon sa nahamig na $248 million.

Record holder naman ang “The Fate of the Furious” bilang biggest global start ($541.9 million) na naungusan din ng “Avengers: Infinity War”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?