24

Box Office: ‘Coco’ tinalo ang ‘Justice League’

Sharing is caring!

Panalo ang pelikula ng Disney-Pixar na “Coco” sa Thanksgiving holiday box office sa US matapos pataubin ang “Justice League” ng Warner Bros.-DC sa kinitang $71.2 million mula sa Wednesday-Sunday period.

Pumangalawa ang “Justice League” na nakalikom ng $60 million sa katulad ding time frame.

Ang superhero action-adventure, ang ikalima sa DC Extended Universe, ay may kabuuhang $172 million benta sa unang 10 araw nito sa mga sinehan.

Ang “Coco” ang pang-apat na pelikula na binuksan sa Thanksgiving holiday na kumita ng malaki sa likod ng tatlo pang Disney titles tulad ng “Frozen” nakalikom ng $93 million noong 2013, “Moana” na may $82 million noong 2017 at “Toy Story 3” na may $80 million noong 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?