27

By

Bowling trio nina Posadas, Sy, Del Rosario sasabak na

Sisimulan ng 6 sa 12 national bowler ng alas-10:00 ng umaga (alas-11:00 ng umaga sa Maynila, Agosto 22) ang kampanya ng bansa sa 18th Asian Games 2018 tenpin bowling trios women sa Jakabaring Sports City bowling center sa Palembang City, Indonesia.

Balik-national team ang mga sumabak na rin sa kompetisyon may 4 na taon na ang nakararaan na sina Jo Mar Roland Jumapao, Kenneth Chua at Enrico Lorenzo Hernandez sa men’s team, at sina Marian Lara Posadas, Marie Alexis Sy at Ma. Liza del Rosario sa women’s squad, mangungunang makabawi tapos mabokya sa medalya sa Incheon 2014 Asiad.

Kasama sa koponan nina head coach Rafael Nepomuceno at assistant coaches Josephine Cañare (women) at Engelberto Rivera (men) sina Raoul Miranda, Merwin Matheiu Tan at Angelo Kenzo Umali, at sina Ma. Lourdes Arles, Dyan Coronacion at Rachelle de Leon.

“Kung mae-execute naming mabuti ang plan sa training during competition no where to go but up kami,” reaksyon ni Rivera tapos ng dalawang araw na training session ng Nationals sa bagong tayong 40-lane bowling center.

Bukas ang trios men, sa Biyernes ang team of 6 women, Sabado ang team of 6 men, Lingo ang Masters women at Lunes ang Masters men sa 6 na gold na paglalabanan, mula sa 12 noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?