147

Jul 15, 2019 @ 18:06
By

Bowles magiging Indonesian?

Kung si Theo Ratliffe ay napunta sa South Korea, isang PBA import pa ang posibleng maging naturalized player ng isang Asian country.

Ayon kay dating Gilas coach at ngayon ay mentor na ng Indonesian national team na si Rajko Toroman, tinitingnan nila si Denzel Bowles bilang susunod na naturalized center ng koponan.

Nagkausap na umano ang dalawa noong dumalaw si Toroman sa bansa, at sinabing malaki ang tsansa na sungkitin ni Bowles ang offer.

Kung sakaling matuloy ang balak ni Toroman, malabo pa ring makasalang si Bowles sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas dahil hindi sapat ang oras para malakad ang mga papeles nito.

“It’s very difficult at this moment for Indonesia to make some surprise because our target is not the SEA Games. Our target is to improve Indonesian basketball because it is (co)-hosting the 2023 World Cup, and FIBA is also trying to help improve basketball in Indonesia,” ayon kay Toroman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?