26
anthony-bordain
By

Bourdain inilibing na sa France

Sharing is caring!

Sa bansang France na-cremate ang mga labi ng chef, author and TV host na si Anthony Bourdain. Ang pamilya ng 61-year-old na si Bourdain ang nag-request nito at hiniling din nila ang privacy ng naturang cremation.

Natagpuang patay si Bourdain sa kanyang hotel room in France noong nakaraang June 9. Nagbigti ito sa banyo gamit ang belt ng kanyang bathrobe.

Sa nagawang imbestigasyon, walang foul play at suicide ang naging cause of death ni Bourdain.

“There is no element that makes us suspect that someone came into the room at any moment,” ayon sa medical expert na nakitang no evidence of violence habang ginagawa ang toxicology tests sa bangkay.

Kasama ni Bourdain sa France habang nagsu-shoot siya ng episode for Parts Unknown ay ang kaibigan niyang chef na si Eric Ripert.

“Anthony was my best friend. An exceptional human being, so inspiring & generous. One of the great storytellers who connected with so many. I pray he is at peace from the bottom of my heart. My love & prayers are also with his family, friends and loved ones,” tweet ni Ripert bilang pamamaalam niya kay Bourdain.

Nag-release naman ng isang heartbreaking statement ang girlfriend ni Bourdain, ang Italian actress at filmmaker na si Asia Argento:

“Anthony gave all of himself in everything that he did. His brilliant, fearless spirit touched and inspired so many, and his generosity knew no bounds.”

Naiwan ni Bourdain ang kanyang 11-year-old daughter na si Ariane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?