100

Mar 17, 2020 @ 16:41
By

Boundary ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna isinara

Dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine at mahigpit na social distancing measures sa buong Luzon, isinara ang Tulasan Brigde na boundary ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna nitong Martes ng umaga.

Sa ginawang pagsasara sa nasabing tulay, mahigpit ang kanilang isasagawang checkpoints sa lugar na kung saan ipinagbawal ang pagpasok at paglabas sa nasabing lugar.

Ayon sa isang nakatalagang pulis, bandang alas-10:00 ng umaga nang isara sa mga motorista ang Tulasan Bridge bunsod ng enhanced community quarantine at social distancing.

Dahil sa matiding trapik na ang nararanasan napilitan nang magkalakad ang mga commuter sa nasabing lugar.

Subalit pagdating naman sa lugar na may checkpoint na mahaba rin ang pila sa pagpasok at paglabas sa lugar na kung saan mahigpit na binubusisi ng mga pulis ang ID at papeles na kung puwede na silang pumasok sa may area ng Tunasan nang nasabing lungsod.

Ipinapatupad ng mga awtoridad ang protocol upang maging maayos ang pagbusisi ng mga ID at papeles ng mga commuters at motorista na papasok sa area ng Muntinlupa.

Wala naman nagawa ang mga motorista kundi sumunod sa protocol ng mga awtoridad.

“Wala naman po kaming magawa kundi sumunod sa mga ipinapatupad ng mga awtoridad ito po ay para sa kaligtasan din natin lahat, kaya lang sa sobrang init ng panahon na may 20 minuto ka rin pipila para makapasok at makapunta sa lugar na pupuntahan,” anang isang ginang na nakilala sa pangalang Grace.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?