21

Nov 26, 2021 @ 15:18
By

Botika, school clinic gawing vaccination site – lady solon

Nanawagan ang isang lady solon sa gobyerno na gamitin ang mga pharmacy at school clinic bilang pansamantalang vaccination site.

Ayon kay BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co kung pinapayagan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga sangay ng Jollibee at McDonald’s wala umanong dahilan para hindi ito payagang gawin sa mga pharmacy at school clinic.

“There is a major governance and policy aberration here,” sabi ni Co sa isang pahayag.

Naniniwala si Co na maaaring ang mga mayor at gobernador na ang magdesisyon nito para mabilis na mapataas ang bilang ng mga nabakunahan sa kanilang lugar.

Nauna nang inalok ng Jollibee Group at McDonald’s Philippines ang kanilang mga sangay upang magamit na vaccination site para maabot ng gobyerno ang target nitong makapagbakuna ng 1.5 milyon kada araw.

Ayon sa isang ulat, ginamit ng Zamboanga City Health Office ang Jollibee-Sta. Cruz outlet sa Barangay Tetuan at McDonald outlet sa Barangay Guiwan bilang vaccination site sa mga piling araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?