259

Dec 14, 2017 @ 17:52
By

Botika sa Cebu isinara dahil sa pekeng gamot

Ipinasara ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang botika sa Cebu dahil sa pagbebenta ng mga unregistered health products.

Sinabi ni FDA Director Nela Charade Puno na sinalakay ng mga tauhan ng kanilang REU ang American Compounding Pharmacy Inc., sa Mandaue.

Aniya, aabot sa P10 milyon ang halaga ng mga kinumpiska nilang mga pekeng produkto.

Kabilang dito ang mga kahon ng Gluthatione, powdered Vitamin C, Bio C, Immuno Factor at mineral tablets.

Isinara rin ang mini-laboratory ng naturang kumpanya at inaresto ang accountant bunga ng kabiguan na magpakita ng mga lisensiya at permit para sa kanilang operasyon.

Muling nagbabala si Puno sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga health product dahil sa posibilidad na may masamang epekto pa ang mga ito sa kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?